Home HOME BANNER STORY 2.96 milyong Pinoy, tambay – PSA

2.96 milyong Pinoy, tambay – PSA

145
0

MANILA, Philippines — Umabot sa 2.96 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Enero 2026, mula sa 2.26 milyon noong Disyembre 2025, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes.

Ayon kay Deputy National Statistician Divinia Gracia del Prado, sakop ng bilang na ito ang mga indibidwal na may edad 15 pataas na aktibong naghahanap ng trabaho.

Ito ay katumbas ng unemployment rate na 5.8 porsyento, mas mataas kaysa sa 4.4 porsyento noong Disyembre 2025 at 4.3 porsyento noong Enero 2025.

“Sa 50.89 milyong kalahok sa labor force, 58 sa bawat 1,000 Pilipino ang walang trabaho o kabuhayan sa nasabing panahon,” ani del Prado. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here