Home METRO 2 Amerikano, kabilang sa 19 nasawi sa sagupaan sa Negros

2 Amerikano, kabilang sa 19 nasawi sa sagupaan sa Negros

102
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na dalawang Amerikano ang kabilang sa 19 na nasawi sa isang kamakailang sagupaan sa Negros.

Ayon sa NTF-ELCAC, kinilala ang mga amerikanong sina Lyle Prijoles at Kai Dana-Rene Sorem. Si Prijoles ay umano’y may kaugnayan sa Anakbayan-USA mula 2012, at kapwa sila dumating sa Pilipinas noong Marso 2026. Kasama umano sila sa mga nasawi sa insidente.

Ayon sa ahensya, “These facts point to a disturbing convergence: foreign nationals in a live combat setting, where the risks are immediate and the consequences irreversible.”

“For Filipinos living overseas, particularly in the United States, this situation calls for heightened awareness and sound judgment,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ng NTF-ELCAC na “The presence of two American fatalities in a single encounter should prompt careful reflection on how involvement in certain activities or networks may lead to unintended exposure to dangerous environments,” at tiniyak na ang mga labi ng dalawang Amerikano ay naibalik na sa kanilang mga pamilya.

Ayon sa ulat, hinihintay pa rin ang kumpirmasyon ng mga pahayag ng NTF-ELCAC mula sa Department of Foreign Affairs. Idinagdag din ng ahensya na lahat ng 19 na nasawi ay natukoy na at nagpapatuloy ang mga hakbang upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here