ILOCOS SUR-Patay ang isang 2-anyos na lalaki matapos masagasaan ng van sa Brgy. Bayubay, San Vicente ng lalawigang ito kagabi, Enero 23.
Ayon sa mga otoridad, ang bata ay nakatira sa Encarnacion Compound sa naturang barangay samantalang ang 46-anyos na driver ng Hyundai Starex Van ay residente ng Brgy. Poblacion, San Vicente, Ilocos Sur.
Nabatid na ang van ay bumibiyahe papuntang kanlurang direksyon.
Pagsapit nito sa crossing, tumawid ang bata kaya nabangga ng van at nasagasaan.
Dahil dito, nagtamo ng severe injuries ang pedestrian.
Isinugod ang pedestrian sa Metro Vigan Hospital.
Gayunman, ang biktima ay hindi na nagawang isalba pa ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso