Home ENTERTAINMENT GMA, ‘binocha’ raw ang career ni Bea!

GMA, ‘binocha’ raw ang career ni Bea!

Manila, Philippines- Maganda sa simula, pumangit sa finale episode.

Ito ang nagkakaisang reaksyon ng mga netizens na nadismaya sa ending ng Widows’ War.

Pinatay kasi sa kuwento ang karakter ni Bea–at hindi ‘yon nagustuhan ng mga manonood.

Kesyo “binocha” raw ng GMA ang kanyang career.

Another netizen questioned if Bea signed up to be treated that way.

Tuloy, trending topic tuloy ang last episode ng WW sa X (dating Twitter).

Sinisisi rin ang ilan sa pag-iwan ng dati nitong direktor na si Zig Dulay ang pamamahala nito.

Mas pinag-concentrate daw kasi si direk Zig sa GMA Pictures entry sa MMFF last year na Green Bones kaya tuloy tsaka ang naging pagtatapos ng WW.

Lumabas din ang balitang ang finale episode ay kinunan daw ng 24 oras.

Kung totoo ito, malinaw daw na paglabag ‘yon sa ipinatutupad nang Eddie Garcia bill.

Alinsunod kasi sa batas ay bawal magtrabaho ang artista na hihigit sa 14 oras kada araw.

Bale ba, ang ‘di na umereng teleserye ng beteranong aktor ay sa GMA kung saan naaksidente siya’t ikinamatay nito kinalaunan.

On Bea, tampulan ng biruan ang aktres dahil sa back to back nitong mga teleserye sa GMA na parehong flop.

How very sad. Ronnie Carrasco III