MANILA, Philippines – DALAWANG babae na hinihinalang karnaper ang inaresto ng mga tauhan ng Regional Highway Patrol Group Calabarzon at Provincial Highway Patrol Team – Cavite sa bisa ng warrant of arrest sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite at Parañaque City.
Ang dalawang suspek na kapwa kinilala sa mga alyas na Karla, 24, dalaga, at Gemma, 49, may- asawa ay pawang residente ng Parañaque City at GMA, Cavite.
Batay sa report na isinumite ni PCol Rommel C. Estolano Regional Chief RHPU4A kay PBGen. William M. Segun, ganap na alas-8:45 ng gabi ng Oktubre 31, at alas-7:00 ng umaga ng Oktubre 30, nang arestuhin ang mga suspek sa Moonwalk, Parañaque City at Imus, Cavite sa bisa ng warrant of arrest sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 RA 10883 criminal case number 2024-1272 na inisyu ni Hon. Presiding Judge Regina Paz Ramos-Chavez, RTC Branch 274 sa lungsod ng Parañaque.
Samantalang ang mga suspek ay pawang nakapiit pansamantala sa PHPT Cavite kung daan pinapayagan na makapaglagak ng piyansa para sa kanilang pansantalang kalayaan na halagang P300,000 bawat isa. Ellen Apostol