Home METRO 2 bangkay natagpuan sa container na galing sa Pilipinas

2 bangkay natagpuan sa container na galing sa Pilipinas

MANILA, Philippines – Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki at isang babae sa loob ng isang container van nang dumatingi ito sa Thailand.

Ayon sa impormasyon, ang naturang container ay galing sa Pilipinas.

Umalis umano ang container sa pantalan sa Maynila noong Setyembre 24 at nadiskubre ang bangkay noong Oktubre 2.

Nakikipagtulungan na ang mga awtoridad sa Thailand sa mga awtoridad sa Pilipinas upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga bangkay.

Wala namang nakitang sugat sa dalawang bangkay.

Sa pahayag ni Police Colonel Dominador Matalang, PNP Police Attache sa Thailand, shorts lamang ang suot ng bangkay na lalaki, habang pink na sleeveless naman ang suot ng babae at skinny jeans na pang-ibaba.

Dito umano magsisimula ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima, kasabay ng tattoo na nakalagay sa katawan nito.

Sa oras na matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawa, agad na ipoproseso ng pamahalaan ang pagpapauwi sa Pilipinas ng kanilang mga labi. RNT/JGC