Home METRO Barangay captain binaril-patay sa Ilocos

Barangay captain binaril-patay sa Ilocos

MANILA, Philippines – Patay ang isang kapitan ng barangay sa Marcos, Ilocos Norte matapos pagbabarilin habang pauwi ng bahay nitong Biyernes, Disyembre 1.

Kinilala ang biktima na si Helen Abrigado, re-elected chief ng Barangay Ferdinand.

Pinagbabaril ito ng dalawang hindi pa tukoy na suspek na sakay ng motorsiklo.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang kapitan ng isang Mitsubishi L300 FB truck na pagmamay-ari ng barangay at minamaneho ni councilor Carlo Bagaoisan.

Binabagtas umano ng sasakyan ni Abrigado ang Barangay Tabucbuc nang atakehin ito bandang 9:50 ng gabi.

Kasama si Abrigado sa convoy ng mga barangay health worker at iba pang opisyal ng barangay nang mangyari ang insidente na katatapos lamang dumalo sa Christmas season kick-off ng kanilang bayan sa munisipyo nang naturang araw.

Sinundan umano ng mga suspek si Abrigado at ang sinasakyan nito, at ilang beses na sinubukang mag-overtake hanggang sa pinaputukan na ang biktima ng apat na beses.

Hindi naman nasaktan ang iba pang nakasakay sa sinasakyan ni Abrigado.

Naglunsad na ang pulisya ng hot pursuit operation upang maaresto ang mga suspek. RNT/JGC

Previous article2 bangkay natagpuan sa container na galing sa Pilipinas
Next articleSuroy Suroy Sugbo: Turismo sa Cebu ibinida ni Tolentino