Home NATIONWIDE Suroy Suroy Sugbo: Turismo sa Cebu ibinida ni Tolentino

Suroy Suroy Sugbo: Turismo sa Cebu ibinida ni Tolentino

Suroy-Suroy Sugbo - Si Sen Francis Tolentino (ika-2 mula kaliwa) ay kasama ni Cebu Gov. Gwen Garcia (ika-3 mula sa kaliwa) sa paglulunsad ng Suroy Suroy tour sa Oslob, Cebu kung saan binisita niya ang iba't ibang cultutal at tourist sites upang ipakita ang paglago ng turismo ng lalawigan.

CEBU — Lumahok si Senator Francis “Tol” Tolentino sa Suroy Suroy Sugbo (Wander Around Cebu), isang Southern Heritage Trail na pinasimulan ng Cebu Province sa pamumuno ni Gov. Gwen Garcia upang palakasin ang dayuhang pagbisita at ekonomiya ng turismo sa mga punong-abalang munisipyo.

Sa pagsama sa ikalawang araw ng 3-day trail noong Biyernes, sinimulan ni Tolentino ang paglilibot sa walong bayan ng Cebu: Oslob, Santander, Samboan, Ginatilan, Malabuyoc, Alegria, Badian, at Moalboal.

Pinuri ng senador ang iba’t ibang atraksyon sa Cebu Province tulad ng white beaches, diving spot, whale sharks, mountains, waterfalls, heritage churches and houses, food, at ang hospitality ng local people.

Binigyang-diin ni Tolentino ang kahalagahan ng kultura ng ilang bayan sa Cebu tulad ng Ginatilan, kung saan nagmula ang pangalawang Pilipinong Santo na si Pedro Calungsod.

“This is what Suroy Suroy sa Sugbo is all about— you tour the place, we live in the present times, and look forward and envision a future on how Cebu should be,” ayon kay Sen. Tol.

Sinabi ni Tolentino na dapat ay tularan ito sa ibang bahagi ng bansa.

Sa pagkumpleto ng buong ikalawang araw ng leg, itinuring ng Senador ang “Suroy Suroy Sugbo” bilang “tourism in action” na ipinapakita sa lalawigan ng Cebu. RNT