MANILA, Philippines – Dalawang bata ang napaulat na nawawala matapos ang landslide na nagresulta sa pagguho ng isang bahay sa gilid ng ilog sa Calamba City, Laguna nitong Linggo ng hapon, Hulyo 19
Nagkasa ang City Disaster Risk Reduction and Management Division ng search, rescue, and retrieval operation kasunod ng report ng trahedya sa Barangay Mapagong.
Ang insidente ay dahil umano sa biglang pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog dahil sa malakas na pag-ulan.
Natukoy ang nawawalang mga bata na edad 9-anyos na babae at 7-anyos na lalaki.
Hindi na nagbigay pa ng impormasyon ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga bata ngunit napaulat din na ang mga ito ay magkapatid. RNT/JGC