Bulacan – Patay ang dating basketball player matapos aksidenteng bumangga sa concrete barrier sa kahabaan NLEX- Meycauayan nitong Sabado ng umaga Hulyo 18.
Sa ulat, kinilala ang nasawing mahusay na manlalaro na si John Vincent Gallego, 28, at dating San Beda baketball player.
Ayon sa ulat, pabalik na ito sa Maynila nang aksidenteng sumalpok ang minamanehong sasakyan sa concrete barrier ng NLEX sakop ng lungsod Meycauayan.
Nabatid na dinala ang dating basketbolista sa ospital para sa paunang lunas subalit idineklara itong dead on arrival.
Sinasabing si Gallego bukod sa pagiging San Beda basketball player ay napagalamang napunta rin ito kalaunan sa Gilas Pilipinas Youth, ayon na rin sa ulat.
Dumagsa ang pakikiramay mula sa mga kakilala, kapwa manlalaro, kaibigan at mga nagmamahal sa kanya. Dick Mirasol III