Home NATIONWIDE Pagmamaliit sa 2016 Arbitral Award sa WPS sa Pilipinas layunin ng AI...

Pagmamaliit sa 2016 Arbitral Award sa WPS sa Pilipinas layunin ng AI Monkey video ng China – Pangilinan

10
0

MANILA, Philippines – Walang ibang layunin ang artificial intelligence-generated vide ng State-owned China Daily na nagsasabing lahing unggoy ang Filipino na hindi lamang racist at demoralizing kundi layunin nitong maliitin ang lawful victory ng Pilipinas sa 2016 Arbitral Award on the West Philippine Sea, ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

Sa interview ng Radio Veritas, binanggit ng
senador ang video bilang propaganda ng China s apagkakalat ng kasinungalingan
hinggil sa arbitral ruling na legal na pag-aari ng Pilipinas ang inaangkin na karagatan
ng Beijing.

“Kaya maliwanag dito sa usapin nung ating
arbitral ruling na 10 taon nang lumabas, 10 years since it was decided in our favor, ay sinasabayan nila ng paraan para ipawalang bisa o kaya mag-propagandize ng kasinungalingan at sirain ang ating pagkapanalo dito sa arbitral ruling na ito sa Hague,” ayon sa senador.

“So kinundena natin at makikita natin na
walang katapusan ang pagsisinungaling,” giit ng senador.

Mahigpit na kinondena ng mambabatas ang video kaya tumanggap siyang samu’t-saring paninira mula sa Chinese embassy sa Maynila dahil isa itong racist at “deeply offensive.”

Kaya hiniling niya sa Beijing na tanggalin ang video, humingi ng public apology at panagutin ang sinjman na nasa likod ng video.

Sa video, makikita ang isang unggoy na nakasuot ng trasdiyunal na Barong Tagalog na kumakanta sa karaoke habang nagbabasa ng script na sinasabing galing sa US at Japan.

Ipinakita din sa video na binomba ng water cannon ang unggoy na nagpapakita ng ginagawa ng China Coast Guard sa paggamit ng water cannon bilang panakkot sa mangingisdang Filipino na umalis sa pinagtatalunang lugar sa West Philippine Sea.

“So ganun din sa international community kailangan meron tayong mga kinikilalang
strong—and then strengthening our alliances—and that’s the way to deal with
bullies,” aniya.

“Kaya napakahalaga nung ruling na yun at
yung affirmation ng statement ng maraming mga bansa, palakasin pa natin. Ayaw ng kabila diyan, gusto nila i-localize lang ito pero hindi tayo papayag,” giit ng senador.

Kamakailan, ipinagdiwang ng Pilipinas ang 10 anibersaryo ng arbitral victory ng Pilipinas laban sa China na umaangkin sa WPS sa pamamagitan ng ilusyon na nin-dash line na sumasakop sa buong karagatan ng WPS.

Bukod sa US, kinilala din ang arbitral ruling ng Germany, Japan, Australia, New Zealand at iba pang bansa sa ilang panig ng mundo.

“So, akala nila itong mga ginagawa nila,
matatakot tayo. Kabaligtaran ang mangyayari. Lalo nating paiigtingin ang pagtutol sa kanila. Hindi tayo papayag. Long game ito para sa kanila; long game din ito para sa atin. We just have to keep that effort. Sabi nga, di pasisiil,”
aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here