Bulacan – Patay ang dalawang bata matapos tangayin ng rumaeagasang agos sa isang ilog sa bayan ng Marilao.
Kinilala ang mga kalunos-lunos na biktimang si Justine, 10 at Sabrino, 11, kapwa napagalamang residente ng lungsod Meycauayan.
Sa ulat na nakalap, nalunod ang mga biktima nitong araw ng Martes, Abril 8 sa ilog malapit sa Heritage bridge, Brgy. Loma De Gato.
Ayon sa ulat, nagkayayaan magtampisaw ang mga biktima kasama ang mga kaibigan nang biglang tangayin ng malakas na agos hanggang sa lamunin ng ilog.
Nang makarating sa rescue team ang impormasyon ay agad silang rumesponde sa lugar hanggang sa marekober nila ang isa sa biktima bandang 12:00 ng tanghali.
Nabatid na natagpuan naman ang isa pang biktima pasado alas 2:00 ng hapon sa hindi kalayuan ng naturang ilog.
Sinasabing sa Heritage bridge na makikita ang hangganan ng Marilao at lungsod Meycauayan ay mapapansing malakas ang agos ng ilog na umano’y may kalaliman at lubhang delikado lalo na sa mga batang hindi sanay lumangoy. Dick Mirasol III