Home HOME BANNER STORY Russian vlogger gustong murahin ni PBBM

Russian vlogger gustong murahin ni PBBM

Iniharap sa mga media ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang Russian-American content creator na si Vitaly Zdorovetskiy na nambastos ng ilang Filipino at ginawa pa nitong content habang bumibisita sa bansa.Nilinaw ni Sec. Remulla na hindi basta ipapadeport ng pamahalaan ang vlogger na idineklara nang ‘undesirable alien’ at nasa ilalim ng ‘restrictive custody’ ng Bureau of Immigration.Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng vlogger sa bansa. Habang nasa harap ng media ay patuloy ang ginagawa nitong pang-iinis at pang-aasar sa harap mismo ni DILG Sec. Remulla. VAL LEONARDO

MANILA, Philippines – TINAWAG na “sira-ulo” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inarestong Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy matapos na mapanood ng una kung paano pagtawanan ng huli ang mga filipino sa kanyang video.

“Sira ulo rin. Hindi naman Pilipino, puwede ko bang murahin?” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang clip na naka-upload bilang teaser sa kanyang social media page.

Si Vitaly Zdorovetskiy na nahaharap sa multiple criminal complaints.

Sa pangunguna ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, sinabi ng pulisya ng Taguig na nagsampa na sila ng reklamo laban kay Zdorovetskiy sa Taguig City Prosecutor’s Office na inireklamo ng harassment at pagkuha ng bagay na hindi niya pagmamay-ari, habang nagla-livestream sa kalsada ng Bonifacio Global City (BGC) kamakailan.

Nakapangalap na umano ang mga pulis ng mga ebidensya, kopya ng CCTV footage, at testimonya ng mga saksi at biktima para sa reklamo sa nabanggit na dayuhan.

Nakipag-ugnayan din ang pulisya sa Bureau of Immigration (BI) upang alamin kung may nilabag bang immigration laws ang nabanggit na dayuhan.

Sinasabing, nasakote ng mga personnel ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dayuhan sa isang hotel sa Pasay City noong Abril 2. Kris Jose