TUBIGON, BOHOL — Dalawang magkapatid ang nasawi matapos mabangga ng delivery truck ang kanilang motorsiklo sa national road sa Barangay Ilijan Norte noong Martes ng umaga, Enero 27.
Base sa ulat, ang mga biktima na may edad 13 at 14 ay nagmamadali upang kumuha ng pagsusulit at bayaran ang kanilang matrikula.
Ang 14 na taong gulang ang nagmaneho at walang suot na helmet ang dalawa.
Iniulat na nilampasan nila ang isang traysikel bago sumalpok sa paparating na delivery truck.
Dinala ang magkapatid sa ospital, kung saan idineklara nang dead on arrival ang nakatatanda, habang namatay ang nakababatang kapatid habang ginagamot. Mary Anne Sapico