BACOLOD CITY- Nagdeklara na din ng state of calamity ang bayan ng Vallehermoso sa Negros Oriental dahil inaasahang pagdagsa ng bilang ng evacuees dahil sa pag-igting ng pag-aalburuto ng bulkan Kanlaon.
Sa pahayag Office of the Civil Defense (OCD) nitong Pasko, nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Vallehermoso dahil sa patuloy na aktibidad ng magmatic ng bulkan.
Ito’y matapos magpatawag ng isang espesyal sesyon noong Disyembre 20 ang Municipal Council at inaasahan na dadagsa ang mga residenteng apektado sakaling mailabas ang Alert Levels 4 o 5.
Binigyang-diin ng resolusyon ang estratehikong lokasyon ng Vallehermoso, na siyang pinakamalapit na emergency haven sa Canlaon City na nauna nang nagdeklara ng state of calamity noong Hunyo 3 ngayon taon. Mary Anne Sapico