Home METRO 2 bayan sa Occidental Mindoro nalubog sa baha

2 bayan sa Occidental Mindoro nalubog sa baha

197
0

MANILA, Philippines – Nalubog sa baha ang dalawang bayan sa Occidental Mindoro dahil sa malalakas at walang tigil na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ito ay ang mga bayan ng San Jose at Calintaan, sa naturang probinsya.

Ayon kay Gil Gendrano, pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa San Jose, binaha ang mga barangay ng Mangarin, Mapaya, Bagong Sikat, San Roque at Labangan na umabot ng hanggang bewang ang taas ng baha.

Dahil dito ay kinailangang magsagawa ng preemptive evacuation mula pa nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 13.

Aabot sa 118 pamilya o 400 residente ang inilikas dahil dito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here