Home HOME BANNER STORY 2 bigtime tulak arestado sa P15.1M shabu, cocaine sa Camarines Norte

2 bigtime tulak arestado sa P15.1M shabu, cocaine sa Camarines Norte

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang dalawang bigtime drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P15.1 milyong halaga ng shabu at cocaine sa buy-bust operation sa Vinzons, Camarines Norte.

Ayon kay Police Brigadier General Andre Perez Dizon, Bicol police chief, naaresto sina Marlon Aloc at Joji Ian Canonizado bandang 11:20 ng gabi sa Maharlika Highway, sa Barangay Santo Domingo.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 2.2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P14.96 milyon at 14 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P212,000.

Ani Dizon, ang mga suspek na residente ng Camarines Norte, ay nakakakuha ng suplay mula sa Chinese nationals sa Metro Manila.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous article2 top NPA leaders patay sa engkwentro sa Leyte
Next article8 Chinese balloons namataan sa paligid ng Taiwan