Home NATIONWIDE 8 Chinese balloons namataan sa paligid ng Taiwan

8 Chinese balloons namataan sa paligid ng Taiwan

TAIWAN – Naitala ang record-breaking na walong Chinese balloons sa paligid ng Taiwan, kung saan dalawa ang direktang lumipad sa himpapawid ng naturang bansa, ayon sa Taipei defense ministry nitong Sabado, Pebrero 10.

Namataan nitong Biyernes, isang araw bago ang pagsisimula ng Lunar New Year holiday, ang mga balloon sa taas na 15,000 feet hanggang 38,000 feet.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga naitalang balloon mula nang regular silang maglabas ng datos ng balloon sightings noong Disyembre.

Matatandaan na ginigipit din ng China ang Taiwan sa pagsasabing kanila ang naturang bansa.

Noong Pebrero 2023, inalerto ng militar ng Taiwan ang aviation authorities makaraang mamataan ang balloon na palutang-lutang sa airspace ng isla, ngunit hindi pa sinabi kung saan ito galing. RNT/JGC

Previous article2 bigtime tulak arestado sa P15.1M shabu, cocaine sa Camarines Norte
Next articleSecession ‘di makatutulong sa Mindanao – solon