Home ENTERTAINMENT Buboy, atras sa ‘paresan challenge’ vs Diwata!

Buboy, atras sa ‘paresan challenge’ vs Diwata!

Manila, Philippines- No wonder, most sought after vlog content si Diwata, ang pamosong may-ari ng paresan malapit sa Senate bldg. sa Pasay City.

Ito ang masasabing claim to fame ng beking nabalitang naaresto ng mga pulis many years ago.

Having started a new leaf, nagbukas din ang pintuan ng showbiz para kay Diwata.

Sumikat ang kanyang “sikan joy,” her own version of deep-fried chicken along with other viands which come with rice and free drinks sa napakamurang halaga.

Kapado nga ni Diwata ang hanap ng masang Pinoy foodie: mura na, masarap pa.

Evident ang pagiging “blockbuster” ng paresan niya sa haba ng pila ng mga taong gustong kumain.

Kabog ang linya ni Vilma Santos in an old movie na: “Para kang carinderia na bukas sa lahat ng gustong kumain!”

Masasabi ngang Diwata’s food biz is an object of jealousy.

Which brings us to the same line of business na pinasok ni Buboy Villar.

Meron din kasi siyang Paresan ni Bok, malayo nga lang ito sa puwesto ni Diwata.

Being a business rival, hindi maiaaalis na pagkumparahin ang dalawang paresan.

Interestingly, may 14 branches na ang kay Buboy, ang iba rito’y nasa franchise terms.

Dagdag income din ‘yon sa ganansya ni Buboy sa showbiz.

Pero maitatanong lang: aling paresan kaya ang mas may masarap na tindang pagkain?

Hypothetically, tanggapin kaya ni Buboy ang “paresan challenge” laban kay Diwata?

Ayon sa isa sa mga cast members ng Running Man Ph Season 2, hindi naman niya kailangang makipagtagisan kay Diwata.

Unang-una, malayo sa isa’t isa ang kanilang business location.

Wala rin daw puwang para kainggitan ng dimunitive actor ang tinatamasang tagumpay ni Diwata.

Bagkus, ang dapat daw kainggitan para magsilbing inspirasyon sa buhay ay ang kasipagan ng tao, which is anyone’s secret to success.

Pero sa lahat ng mga sinabi ng Kapuso actor ay ito ang pangabog: “Bakit kailangang magkaroon ng kumpitensya kung puwede naman kaming magpakain sa mga taong deserving makakakain nang libre?”

Adbokasiya ito…? Ronnie Carrasco IIi