Home NATIONWIDE SoKor lilikha ng bagong ahensya sa pagtugon sa low birth rate

SoKor lilikha ng bagong ahensya sa pagtugon sa low birth rate

SOUTH KOREA – Nais ni South Korean President Yoon Suk Yeol na lumikha ng bagong ministry upang tugunan ang mababang birthrate ng bansa na siyang pinakamababa sa buong mundo.

“I ask the parliament’s cooperation to revise government organization to set up the Ministry of Low Birth Rate Counter Planning,” sinabi ni Yoon sa live address nito.

Ang birth rate sa South Korea ay sumadsad sa pinakamababa noong nakaraang taon, sa kabila ng bilyon-bilyong dolyar na pondong ibinuhos para maengganyo ang mga kababaihan na mag-anak pa at mapanatiling stable ang populasyon.

Bukod sa lowest birth rates, ang South Korea rin ang isa sa may longest life expectancies na sanhi ng mga demographic challenge.

Ang fertility rate sa South Korea o bilang ng mga batang inaasahang maipanganak ng isang babae sa buong buhay niya, ay bumaba ng 0.72 noong 2023, mababa ng 8% mula noong 2022.

Ito ay mababa sa 2.1 children na kailangan para mapanatili ang kasalukuyang populasyon na 51 milyon.

Pagsapit ng 2100 ay posibleng makalahati ang populasyong ito.

Ang 0.72 birth rate ng South Korea ay pinakamababa rin sa OECD nations, habang ang average age para manganak ang isang babae ay 33.6, na pinakamataas sa OECD. RNT/JGC