Home NATIONWIDE Libreng menstrual products ibibigay sa mag-aaral na indigent women

Libreng menstrual products ibibigay sa mag-aaral na indigent women

MANILA, Philippines – Bibigyan ng libreng menstrual products ang lahat ng kababaihan sa mahihirap na kababaihan na nag-aaral sa pampublikong paaralan sakaling maisabatas ang panukalang batas na inihain ni Senador Edgardo “Sonny” Angara.

Sa pahayag, sinabi ni Angara, chairman ng Senate committee on finance, na krusyal ang women empowerment sa kalusugan ng mahihirap na kababaihan dahil sa kanilang papel sa nation building.

“But with the country having a population of close to 120 million people, including more than 34 million adolescent girls and women of child-bearing age, it is only proper for the government to ensure their rights to proper health care is protected,” ayon kay Angara.

Aniya, isang pivotal stage sa womanhood ang menstruation na krusyal sa paglikha ng buhay at human development.

Base sa pag-aaral ng Humanist Alliance Philippines (HAPI), isang civil society organization, 74 percent ng kababaihan mula sa edad 14 hanggang 30 ang hindi nakakapasok sa trabaho o klase sanhi ng kawalan ng huygiene products, banggit ng senador.

Tinukoy pa ng senador mula Aurora na natuklasan ng organisasyon na napapahiya ang kababaihan at kabataan na umalis ng kanilang tahanan nang walang hygiene products.

“Therefore, it is only proper to address ‘period poverty’ or the limited access to or affordability of menstrual health and hygiene services and products that poses serious health risks, particularly reproductive and urinary tract infections among other complications. The prevalence of these illnesses can be prevented through the promotion of menstrual hygiene,” ayon kay Angara sa kanyang explanatory note ng Senate Bill No. 2658.

“Hence, this measure seeks to provide free menstrual health and hygiene products to indigent women nationwide and to girls enrolled in public schools to resolve the issue on the lack of access to sanitary items needed by Filipinas,” giit niya.

Ayon pa sa senador na layunin din ng panukala na ipalaganap ang promosyon at paggamit ng Philippine-made menstrual hygiene t health products upang mapaunlad ang domestic industry ng sanitary goods.

“As these items are considered as a necessity for women, this measure will improve the country’s human development and its local industries as well as implement the State’s policy on achieving gender equality, social dignity, and sustainable development,” giit ng senador. Ernie Reyes