Home NATIONWIDE China kakasuhan ng PH sa pagkulong ng sea ‘trespassers’ – Senado

China kakasuhan ng PH sa pagkulong ng sea ‘trespassers’ – Senado

MANILA, Philippines – Tiniyak ng ilang miyembro ng Senado na maaaring kasuhan ang China sa international court kapag ikinulong nito ang dayuhan partikular ang Filipino na nagpupunta ng South China Sea, ayon sa ilang senador.

Sa pahayag, sinabi ni Senador Francis Tolentino na may umiiral na probisyon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na nagsasabing lalabagin ng China ang international maritime laws kapag tinupad ang itinakdang banta.

Naunang inihayag ng Beijing na magsisimulang ipatupad ang kontrobersiyal na regulasyon sa Hunyo na ikukulong ng China Coast Guard ang trespassers sa South China Sea sa loob ng 60 araw.

“Kung mangyayari ‘yan, baka kung mangahas na sila nang ganyan, merong mga probisyon sa UNCLOS, lalo na ang Article 73, maliwanag ‘to—the coastal state can impose penalties for violation of fisheries laws and regulations in the exclusive economic zone, and may not include imprisonment,” ayon kay Tolentino sa interview.

“Maliwanag dito sa UNCLOS na mali ang ginagawa nila. So, subject to another case ito. Pwede tayong mag-file ng panibagong kaso sa China sa ITLOS (International Tribunal for the Law of the Sea),” aniya.

Dati nang kinasuhan ng Philippine government ang China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2013. Pinaburan ng Court ang Pilipinas sa desisyon nito noong July 2016 matapos ibasura ang s nine-dash claim ng China sa South China Sea.

Hindi kinikilala ng China ang naturang desisyon hanggang ngayon.

Samantala, inihayag naman ni Senador Risa Hontiveros, na malinaw na “nadakungan” ng “Atin Ito” civilian mission ang China, kaya napilitan silang gumawa ng “tyrannical tactic na magpapatindi at magpapainit sa tensiyon sa West Philippine Sea.

“Should Beijing dare push through with this illegitimate regulation, the Philippines’ hand may be forced to sue them again in the Hague Tribunal,” aniya sa pahayag.

“China better abrogate this shameless policy. China better stop inciting violence in our waters. China better leave the West Philippine Sea alone,” giit pa ng senadora.

Kasabay nito, hinikayat ni Hontiveros ang gobyerno na hinilingin sa kaalyado nito, tulad ng United States, Japan, Australia, at France na tututlan ang lantarang paglabag ng China sa international law sa pamamagitan ng magkasanib na pagpapatrulya sa exclusive economic zone ng Pilipinas. Ernie Reyes