Home NATIONWIDE ‘People’s will’ sa Cha-cha, luminaw sa Baguio hearing – Zubiri

‘People’s will’ sa Cha-cha, luminaw sa Baguio hearing – Zubiri

MANILA, Philippines – Nakakita ng mas malinaw na senaryo si Senate President Juan Miguel ”Migz” Zubiri sa kagustuhan o “people’s will” sa planong charter change upang baguhin ang economic provisiyon ng 1987 Constitution sa naganap na pagdinig sa Baguio City.

Sa pahayag, sinabi ni Zubiri na dininig ng Senate sub-committee on constitutional amendments and revision of law sa pamumuno ni Senador Juan Edgardo Angara ang Resolution of Both Houses No. 6 (RBH No. 6) na nagpanukala ng amendement sa economic provisions ng Constitution.

Aniya, nailapit sa mamamayan ang public hearing na itinuturing nitong “very encouraging Baguio public consultations today.”

“The Constitution is the bible of any nation. The bible of the Philippines. In the Constitution, on the first article is always talking about the sovereignty of our nation. It’s the heart and soul of the nation,” ayon kay Zubiri sa kanyang opening statement sa pagdinig sa Baguio.

“Yesterday, we were reminded that our sovereignty faces a lot of challenges,” giit ng Senate chief.

Partikular na tinutukoy ni Zubiri ang biyahe sa Pag-asa Island kasama ang ilang senador, defense at military officials, na harap sila sa radio challenge ng Chinese vessels.

“We are here today to support the committee. We want to improve the rules, the law, the heart and soul of our nation … to improve the lives of Filipino people,” patuloy niya.

Sinabi pa ni Zubiri na bahagi ang Baguio hearing sa pagkilos ng Senado na makuha ang pulso ng taumbayan hinggil sa pag-aamyenda sa Saligang Batas.

“Napakahalaga po na dalhin itong usapin ng Constitutional amendments sa publiko – dahil sa huli, hindi naman ito magiging desisyon ng mga mambabatas, kundi ng taumbayan mismo,” aniya na tumutukoy sa plebiscite upang ratipikahan ang economic amendments ng Constitution kung sakaling maipapasa.

“At very encouraging po itong Baguio hearing dahil majority ng mga opinion na narinig natin ay in favor sa ating proposed amendments,” aniya.

Ipinanukala ng RBH No. 6 ang amendments sa piniling economic provisions ng Constitution, upang buksan ang public utilities, tertiary education, at advertising sector sa full foreign ownership.

“We want to improve the Constitution in order to improve the lives of our people, and ensure that they have more opportunities in this globalized age,” ayon sa Senate President, na pawang co-author n RBH No. 6.

“Many other countries have amended their own constitutions, which has paved the way for their development. We just want the same for the country, especially since we have the potential to be a competitive investment haven here in Southeast Asia, given the English-language skills of our people,” ayon sa lider ng Senado.

Kinilala ng senador ang kahalagaghan ng public consultation sa proseso ng pag-aamyenda ng Saligang Batas upang madinig ang lahat ng panig.

Idinagdag pa niya na kanyang nalalaman ang huling survey ng Pulsa Asia na umabot sa 88 porsiyento ng Filipino ang komokontra sa pag-aamyenda sa Saligang Batas sa ngayon.

“Baka hindi pa natin malinaw na naipapaliwanag ang mga benepisyo ng mga proposed amendments natin,” he said. “But this is why we are bringing these discussions across the country, closer to our stakeholders. Kailangan mas mabuti nating maipaliwanag kung paano makakatulong itong RBH No. 6 sa bayan at sa bawat Pilipino,” paliwanag ng Senate chief.

“Kung minadali namin ito, at hindi namin inikot sa stakeholders – pwedeng maipasa nga natin sa Senado, pero matalo naman sa Plebisito,” git pa niya.

Tinukoy ni Zubiri ang pagbubukas sa piling sektor sa foreign ownership will bring na magbibigay ng trabaho sa Filipinos sa inaasahang pagpasok ng mas maraming foreign investments sa lugar na tinutudla ng amendments.

“Sa ngayon, nahuhuli na tayo sa development ng Vietnam at Indonesia, dahil wala silang Constitutional restrictions na humaharang sa foreign investments. Sayang, dahil yung mga interesado sana na pumasok sa Pilipinas, sa iba na lang pumupunta. My fear is that eventually, if we don’t loosen our Constitutional restrictions, mabubura tayo sa isip ng mga investors, at mahuhuli tayo sa development dito sa Southeast Asia,”paliwanag ni Zubiri. Ernie Reyes