Chinese H-6 bombers fly east of the disputed Scarborough Shoal in the South China Sea, March 24, 2025. Maxar Technologies/Handout via REUTERS THIS IMAGE HAS BEEN SUPPLIED BY A THIRD PARTY. NO RESALES. NO ARCHIVES. MANDATORY CREDIT. DO NOT OBSCURE LOGO
MANILA, Philippines – Naglagay ang China ng dalawang long-range H-6 bombers sa paligid ng Panatag (Scarborough) Shoal ngayong linggo, batay sa nakuhang larawan ng Reuters.
Ang deployment, na hindi isinapubliko ng China, ay sumakto sa pagbisita ni US Defense Secretary Pete Hegseth sa Pilipinas.
Hindi naman tumugon ang defense ministry ng China sa tanong ng Reuters sa lawak ng deployment o kung bakit ito sumakto sa pagbisita ni Hegseth.
Wala ring tugon ang mga opisyal ng National Security Council at Armed Forces of the Philippines patungkol dito.
Sa mga larawang nakuha ng Maxar Technologies, makikita ang dalawang eroplano sa silangan ng Panatag na tinatawag ng China bilang “Huangyan Dao.”
Sinabi ng Maxar na ang mga eroplanong nakita ay H-6 bombers.
Samantala, sinabi naman ni Peter Layton ng Griffith Asia Institute ng Australia na posibleng nagpapadala ng mensahe ang China patungkol sa kanilang ‘sophisticated military.’
“The bombers’ second message could be you (the United States) have the potential for long-range strike; so do we, and in larger numbers. Clearly not serendipity,” dagdag pa niya. RNT/JGC