Home METRO 2 Chinese tiklo sa ‘di rehistradong baril sa Makati

2 Chinese tiklo sa ‘di rehistradong baril sa Makati

289
0

MANILA, Philippines – Tiklo ang dalawang Chinese national matapos mahulihan ng mga hindi rehistradong baril sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Valenzuela, Makati City nitong Biyernes ng gabi, Agosto 8.

Ani Police Brig. Gen. Randy Arceo, district director ng Southern Police District, pinasok ng mga tauhan ng Makati Police ang bahay ng mga suspek sa bisa ng search warrant.

“Ayon sa ating informant, ang ating mga suspect ay mahilig magpaputok ng baril sa firing range. May mga report na dito sa bahay nila, mahilig silang maglaro ng kanilang baril. So, with that information, tinrabaho ng ating mga operatives,” sinabi ni Arceo sa panayam ng ABSCBN News.

Narekober mula sa mga suspek ang kalibre .45, .357 revolver, rifle na cal. 22, at shotgun.

Sa imbestigasyon ng Makati Police, dating nagtatrabaho sa POGO ang mga suspek at ngayon ay may ilang negosyo sa Metro Manila katulad ng mga restaurant.

“Matagal na sila dito sa Pilipinas. ‘Yung isa diyan ay pabalik-balik na since 2016. ‘Yung isa ay dumating sa Pilipinas ng 2017 at initial information ay engaged into sa POGO before,” ani Arceo.

“Pero kasi ito ay mga dayuhan, hindi sila authorized na magkaroon ng baril,” dagdag niya.

Mahaharap sa reklamong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here