Home NATIONWIDE P15K ayuda, ipinagkaloob sa bawat pamilyang biktima ng sunog sa Tondo

P15K ayuda, ipinagkaloob sa bawat pamilyang biktima ng sunog sa Tondo

302
0
(c) Manila City Government

MANILA, Philippines – Bawat pamilya na naapektuhan ng sunog noong Miyerkules sa Aroma, Happyland, Tondo, Maynila ay tumanggap ng tig-P15,000 emergency cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Sabado.

Tinatayang 4,000 katao o 873 pamilya ang nawalan ng tirahan at pansamantalang nanunuluyan sa Gen. Vicente Lim Elementary School.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, agad silang inutusan ng Pangulo na magpadala ng food packs at karagdagang tulong pinansyal para sa mga biktima.

Sinabi ni First District Rep. Ernix Dionisio at Manila Department of Social Welfare (MDSW) head Jay dela Fuente na inaasahang makababalik ang mga residente sa kanilang lugar sa mga susunod na araw.

“We will make sure na maisaayos sila muli na mai-clear out yung area at bawat isang batang Tondo dito poprotektahan natin para makabalik sila sa dati nilang tinutuluyan,” ayon kay Dionisio.

Dagdag ni Fuente, maaaring makabalik ang karamihan sa kanilang mga tahanan pagdating ng Lunes o Martes, at nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa DSWD para sa isang housing project para sa mga naapektuhan.

Naghatid din ng mainit na pagkain at naghandog ng awit sa mga biktima ang grupo ni film director Chocoy Torres, habang ilang non-government organizations naman ang namahagi ng hygiene kits, tubig, at bigas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here