Home NATIONWIDE 2 Comelec commissioner nakatakdang magretiro sa Pebrero

2 Comelec commissioner nakatakdang magretiro sa Pebrero

MANILA, Philippines – Nakatakdang magretiro tatlong buwan bago ang 2025 midterm elections ang dalawang Comelec commissioners, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Sinabi ni Garcia sa press conference sa Comelec main na sina Comelec Commissioners Socorro Inting at Marlon Casquejo ay “opisyal na magreretiro sa Pebrero 2, 2025,” iiwan ang six-man constitutional body na may apat na komisyoner lamang noon.

Pinuri ni Garcia sina Inting at Casquejo sa kanilang mahalagang papel sa matagumpay na pagsasagawa ng 2019 at 2022 elections.

Sina Inting at Casquejo ay nagsilbing chairperson ng Comelec’s First Division at Second Division, ayon sa pagkakasunod.

Kabilang sa mga miyembro ng Comelec First Division sina poll body Commissioners Aimee Ferolino at Ernesto Maceda Jr., habang ang mga miyembro ng Comelec Second Division ay sina Commissioners Rey Bulay at Nelson Celis. Jocelyn Tabangcura-Domenden