Home NATIONWIDE Apela ng 18 nuisance senatorial aspirants ibinasura ng Comelec

Apela ng 18 nuisance senatorial aspirants ibinasura ng Comelec

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang motions for reconsideration (MRs) na inihain ng 18 senatorial aspirants na idineklarang nuisance candidate para sa 2025 May elections.

Sa press briefing, ipinakita ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang listahan ng aspirants na ang Ibinasura ang apela.

Ayon kay Garcia, 91 senatorial candidates ang naghain ng MR matapos magpasya ang poll body na ang 117 kandidato ay walang totoong intensyon na tumakbo sa public office.

Pagtitiyak ni Garcia, ilalabas ngayong araw ang desisyon sa mga nuisance cases sa national candidates.

Habang nagpapatuloy naman ang pagresokba sa local candidates.

Ayon kay Garcia, bago isapinal ang listahan sa Disyembre 13 ay mareresolba na lahat ng en banc level.

Kabilang sa mga ibinasurang MR ay sina:

Francis Leo Antonio Marcos

Felipe Fernandez Montealto Jr.

Orlando Caranto de Guzman

Mauel Lim Andrada

Sonny Miranda Pimentel

Elpidio Rosero Rosales Jr.

Jaime Balmas

Pedro Gonzales Ordiales

John Rafael Campang

Robeito Sembrano

Romulo Tindoc San Ramon

Fernando Fabian Diaz

Luther Gascon Meniano

Romeo Castro Macaraeg

Subair Guinthum Mustapha

Monqiue Solis Kokkinaras

Berteni Cataluna Causing

Alexander Encarnacion

Nauna nang naglabas ng inisyal na listahan ng senatorial aspirants na ang pangalan ay kabilang sa official ballot para sa susunod na halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden