Home METRO 2 dalagita, nasagip mula sa human trafficking sa Maguindanao del Sur

2 dalagita, nasagip mula sa human trafficking sa Maguindanao del Sur

177
0
via MSSD-BARMM

COTABATO, Philippines – Naibalik na ng Ministry of Social Services and Development (MSSD-BARMM) ang dalawang 17-taong gulang na babae sa kanilang mga pamilya sa Maguindanao del Sur matapos silang ma-rescue mula sa mga trafficking operators.

Ayon kay Jan Michella Agata, focal person ng MSSD Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons (RRPTP), ang mga biktima ay na-recruit para sa umano’y trabaho sa abroad bilang household service workers. Nasagip sila sa airport habang sinusubukang lumipad palabas ng bansa at pansamantalang inalagaan sa Tahanan ng Inyong Pag-Asa (TIP) Center sa Mandaluyong City.

Kasunod ng turnover, isinagawa ng MSSD at iba pang ahensya sa Metro Manila ang reintegration process para sa mga babae. Nagkaroon din ng case conference kasama ang Department of Social Welfare and Development–National Capital Region (DSWD-NCR), Department of Justice–Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT), at TIP Center upang masiguro ang tamang case management at proteksyon para sa mga biktima.

Pagdating sa Maguindanao del Sur, sinalubong ang mga biktima ng mga social worker ng MSSD at na-reunion sa kanilang mga magulang o guardians sa harap ng mga lokal na opisyal.

Binigyang-diin ni Agata na ang pagre-recruit ng menor de edad para sa overseas domestic work ay lumalabag sa batas, lalo na sa ilalim ng Republic Act 11862, na nagtatakda na ang aplikante sa ganitong trabaho sa abroad ay dapat hindi bababa sa 24 taong gulang.

Dagdag niya, ang MSSD, sa pamamagitan ng RRPTP, ay patuloy na nagbibigay ng comprehensive services sa mga biktima kabilang ang psycho-social support, reintegration assistance, at monitoring ng survivors at kanilang pamilya. Kasama rin sa reintegration ang tulong sa kabuhayan, educational support, at legal assistance kung kinakailangan, at koordinasyon sa mga ahensya para mapanagot ang mga responsable sa ilegal na recruitment at trafficking attempt. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here