Home METRO Magkahiwalay na sunog, tumupok ng maraming sasakyan, kabahayan sa RizalMETROTOP STORIES Magkahiwalay na sunog, tumupok ng maraming sasakyan, kabahayan sa RizalMarch 16, 2026 11:122010 FacebookTwitterPinterestWhatsApp RIZAL, Philippines – Dalawang hiwalay na sunog ang nangyari noong Linggo, Marso 15 sa lalawigan ng Rizal.Sa Antipolo City, sumiklab ang sunog sa isang garage sa Barangay Mayamot bandang 1:08 p.m., na agad na naapula bandang 1:34 p.m.Natupok nito ang pitong sasakyan, kabilang ang limang bus at dalawang taxi, na ilan ay nakatakdang bumiyahe papuntang Bicol.Wala namang naiulat na nasaktan.Samantala sa Cainta, tinupok ng apoy ang humigit-kumulang 40 bahay sa boundary ng Filinvest Eastville sa Antipolo at Barangay San Isidro.Ayon kay Mayor Keith Nieto, gawa sa light materials ang mga nasirang bahay.Nagsimula ang sunog bandang 3:28 p.m., umabot sa second alarm 3:55 p.m., at nakontrol bandang 4:35 p.m.Inatasan agad ang Municipal Assistance Team para tulungan ang mga apektadong pamilya. RNT/MND