Home METRO 2 dedo, 4 sugatan sa pamamaril sa Parañaque

2 dedo, 4 sugatan sa pamamaril sa Parañaque

161
0

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang nasawi habang apat ang nasugatan sa isang pamamaril sa Parañaque City noong Miyerkules ng gabi, ayon sa pulisya.

Ayon kay Parañaque City Police chief Nicolas Piñon, naglalaro ng basketball ang mga biktima nang biglang magpaputok ang isang 59-anyos na lalaki gamit ang 9mm pistol.

“Yung gunman ay residente ng isang unit doon sa residential building na yun… Isang unit owner po,” ani Piñon.

Batay sa CCTV footage, bumaba umano ang suspek mula sa kanyang unit at pumasok sa basketball court bago namaril.

“Base dun sa footage ay bigla lang po siya pumasok, pagbaba niya sa kanyang unit, bigla lang siyang pumasok sa basketball court at doon namaril,” dagdag niya.

Matapos ang insidente ay tumakas ang gunman.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa na sila ng hot pursuit operations katuwang ang mga opisyal ng barangay matapos umanong lumabas ng compound ng gusali ang suspek at naglakad palayo.

“Ongoing ang ating hot pursuit operations kasama ang ating mga barangay sa area.. kasi pagkatapos ng insidented ay lumabas siya ng compound ng building at naglakad,” ani Piñon.

May impormasyon na rin ang mga awtoridad tungkol sa pagkakakilanlan ng suspek.

Samantala, nasa stable condition na ang apat na sugatan habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo ng pamamaril. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here