Home NATIONWIDE Solon: 4-day workweek, online class muna vs mataas na presyo ng langis

Solon: 4-day workweek, online class muna vs mataas na presyo ng langis

193
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang mambabatas na ipatupad ang four-day workweek at online classes para sa mga estudyante upang mabawasan ang epekto ng posibleng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay Parañaque 2nd District Representative Brian Raymund Yamsuan, dapat nang paghandaan ng pamahalaan at pribadong sektor ang pansamantalang work-from-home setup para sa mga empleyado, habang dapat ding maghanda ang mga paaralan para sa online classes kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis.

“We should act fast to ease the burden on our countrymen if oil prices continue to spike. We call on the government and the private sector to start planning the temporary transition to work-from-home setups for employees, and for schools to prepare for online classes,” ani Yamsuan sa isang pahayag.

“These are the steps that we can immediately take para makatulong sa ating mga kababayang unang tatamaan ng epekto nang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis kung magtagal pa ang krisis sa Middle East,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na maaaring pag-aralan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang four-day workweek bilang bahagi ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya.

Nagpanukala rin si Senator Sherwin Gatchalian ng four-day workweek na may isang araw na work-from-home.

Samantala, nagbabala ang Department of Energy na maaaring tumaas ng hanggang P10 kada litro ang presyo ng langis sa mga susunod na linggo kung lalo pang lalala ang tensyon sa Middle East.

Nagsimula ang sigalot matapos ilunsad ng joint US-Israel Operation Epic Fury ang mga airstrike na tumarget sa upuan ng pamahalaan ng Iran upang pigilan ang missile program nito.

Nagresulta ang pag-atake sa pagkamatay ng mga lider ng Iran at daan-daang sibilyan, kabilang ang mga batang nasa isang girls’ school, na nagbunsod sa Iran na gumanti sa pamamagitan ng airstrikes laban sa mga bansa sa Gulf, kabilang ang mga base ng US sa rehiyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here