Home NATIONWIDE Manhunt ops ikinasa vs 21 indibidwal na isinasangkot sa maritime stude hazing

Manhunt ops ikinasa vs 21 indibidwal na isinasangkot sa maritime stude hazing

150
0

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa hazing na ikinasawi ng 19-anyos na maritime student sa Cavite.

Sa press briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño na 21 katao ang natukoy na may kaugnayan sa insidente, kabilang ang siyam na suspek na may direktang partisipasyon at 12 persons of interest.

“Nagbigay ng instruction ang ating chief PNP na mag-file immediately ng kaso doon sa nasa custody ng PNP sa General Trias (Our PNP chief has given instructions to immediately file a case against those in the custody of the PNP in General Trias,” ani Tuaño.

Ayon naman kay General Trias police chief Lt. Col. Bismark Mendoza, napuntahan na ng mga pulis ang bahay at posibleng pinagtataguan ng lima sa mga sangkot ngunit wala ang mga ito sa kanilang nakatalagang address.

“We already proceeded to their respective houses and possible hiding places and, up to now, nagko-conduct tayo ng hot pursuit operations kasi wala sila sa given address nila (We already proceeded to their respective houses and possible hiding places and, up to now, we’re conducting hot pursuit operations because they were not at their given addresses),” ani Mendoza.

Sinabi ni Cavite police chief Col. Ariel Red na sumuko na noong Martes ng gabi ang isa sa mga suspek—ang driver ng Mitsubishi Mirage na nakitang naghatid sa biktima sa ospital ayon sa CCTV.

Ang biktima na si Kenneth Alcedo ay dinala sa isang ospital sa General Trias noong Linggo ng tatlong indibidwal na una umanong nagsabing nabiktima ito ng hit-and-run. Kalaunan ay sinabi ng mga awtoridad na namatay si Alcedo dahil sa severe blunt force trauma sa lower extremities.

Ayon sa pulisya, naganap ang umano’y hazing sa isang open field sa Barangay Langkaan, Dasmariñas, Cavite.

Sinabi rin ni Tuaño na may dalawa pang neophytes na sumailalim sa initiation rites at hinihikayat silang lumantad upang makatulong sa imbestigasyon.

“Hinihikayat ng PNP ‘yung dalawa pa kasama ng biktima na makipag-ugnayan sa PNP para obligahin ang kanilang sariling version para tuloy-tuloy yung imbestigasyon at fil-an natin ng tamang kaso (The PNP is encouraging the other two persons with the victim to contact the PNP to oblige them to tell their own version so that the investigation can continue and we can file the right case),” aniya.

Hindi pa pinangalanan ng mga awtoridad ang suspek na nasa kustodiya pati na ang fraternity at paaralan na sangkot sa insidente.

Samantala, nangako ang ama ng biktima na si Jun Alcedo na ipaglalaban nila ang hustisya para sa kanyang anak.

“What I can promise is what I said in front of his coffin that we will fight until the end. No matter what comes our way,” aniya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here