Home NATIONWIDE DILG gagamit ng satellites para matunton si Atong

DILG gagamit ng satellites para matunton si Atong

163
0

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panibagong malawakang manhunt laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na patuloy na nagtatago matapos maisyuhan ng warrant of arrest kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, isasama sa operasyon ang buong security apparatus ng pamahalaan.

“We have a big manhunt operation na gagawin to relaunch it, so the entire security apparatus of the government will be involved,” ani Remulla.

Dagdag niya, makikipag-ugnayan din ang pamahalaan sa mga international at multinational intelligence agencies upang mapabilis ang paghahanap kay Ang.

“The information we get is only as good as the results that derived from it. The intelligence reports, you have to weigh them kung tama o hindi. So it’s a very nuanced business, it’s very hard to explain but we are now involving other international, multinational, partnerships to go for the hunt of Atong Ang,” paliwanag niya.

Kinumpirma rin ni Remulla ang paggamit ng makabagong teknolohiya gaya ng satellites. Nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa Interpol, habang naghanda na ang Department of Foreign Affairs ng template para sa red notice application na inaasahang ihahain sa susunod na linggo sa pamamagitan ng Philippine Center on Transnational Crime.

Samantala, lilipat ang Philippine National Police sa paggamit ng drones sa halip na helicopters na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P50,000 kada oras. Ayon sa DILG, mas mura ang drones na nasa P3,000 kada oras at may mas sopistikadong teknolohiya.

Inaasahang paiigtingin pa ang manhunt sa mga susunod na linggo sa koordinasyon ng mga lokal at internasyonal na ahensya upang matunton ang kinaroroonan ni Ang. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here