Home NATIONWIDE Iranian warship sa Sri Lanka, pinalubog ng US submarine; 87 tigok

Iranian warship sa Sri Lanka, pinalubog ng US submarine; 87 tigok

180
0

GALLE, Sri Lanka/WASHINGTON — Lumubog ang isang Iranian warship matapos tamaan ng torpedo mula sa US submarine sa karagatan sa timog ng Sri Lanka, na ikinasawi ng hindi bababa sa 87 mandaragat at nagpalawak sa umiinit na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Kinilala ng deputy foreign minister ng Sri Lanka ang barko bilang frigate na IRIS Dena, na umano’y pabalik na sa Iran mula sa isang daungan sa silangang India. Nangyari ang pag-atake sa Indian Ocean, daan-daang milya mula sa Gulf kung saan nagsasagawa ng mga airstrike ang US at Israel laban sa Iran habang gumaganti ang Tehran sa pamamagitan ng missile at drone attacks.

“An American submarine sank an Iranian warship that thought it was safe in international waters,” sinabi ni US Defense Secretary Pete Hegseth sa Pentagon. “Instead, it was sunk by a torpedo. Quiet death.”

Ayon sa mga opisyal ng ospital sa lungsod ng Galle, 87 bangkay ang dinala ng mga military rescuer matapos tumugon sa isang distress call noong madaling araw. May 32 katao naman ang nailigtas at dinala sa ospital, habang tinatayang nasa 60 pa ang nawawala mula sa humigit-kumulang 180 katao na sakay ng barko.

Agad na nagsagawa ng search-and-rescue operation ang Sri Lanka matapos matanggap ang distress call. Ayon kay Sri Lankan Navy spokesman Commander Buddhika Sampath, una nilang nakita ang oil slick sa lugar bago natagpuan ang ilang survivors.

“We found people floating in the water and rescued them,” ani Sampath. “Later on, we found upon inquiring that they belonged to the Iranian ship.”

Ipinakita rin sa video na inilabas ng Pentagon ang isang malakas na pagsabog sa likurang bahagi ng barko na naging sanhi ng pag-angat nito mula sa tubig bago tuluyang lumubog mula sa hulihan. Gayunman, hindi pa ito independiyenteng nabeberipika.

Ang nasabing barko ay nakilahok din kamakailan sa Milan multilateral naval exercise na inorganisa ng India sa Bay of Bengal mula Pebrero 18 hanggang 25.

Sinabi ng mga awtoridad ng Sri Lanka na naganap ang insidente sa labas ng territorial waters ng bansa ngunit patuloy silang tumutulong sa search-and-rescue operations. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here