Home NATIONWIDE 300 Pinoy mula Dubai na naipit sa US-Iran tension, nakauwi na ng...

300 Pinoy mula Dubai na naipit sa US-Iran tension, nakauwi na ng Pinas

203
0

MANILA, Philippines – Halos 300 Pilipino mula sa Dubai ang dumating sa Pilipinas nitong Huwebes ng umaga matapos silang mailikas ng pamahalaan dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East kaugnay ng alitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kabuuang 299 Pilipino ang sakay ng eroplano na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang 6:45 ng umaga.

Ang mga dumating, kabilang ang ilang bata at sanggol, ang unang batch ng mga Pilipinong nirepatriate mula sa Dubai. Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung may kasamang overseas Filipino workers (OFWs) sa unang grupo ng mga umuwi.

Sinalubong nina DMW Secretary Hans Leo Cacdac at mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga repatriated Filipinos, na dinala sa isang holding area sa NAIA Terminal 3.

Nauna nang sinabi ng OWWA na mahigit 1,000 OFWs ang nagpahayag ng intensyong makauwi sa Pilipinas dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.

Kinumpirma rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkamatay ng isang Filipina caregiver sa Israel matapos tamaan ng airstrike, habang isa pang OFW ang nagtamo ng minor injuries mula sa pagsabog sa isang airport sa Kuwait. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here