Home NATIONWIDE 10 oil tanker inatake ng Iran sa Strait of Hormuz

10 oil tanker inatake ng Iran sa Strait of Hormuz

254
0

Inatake ng Iran ang 10 oil tanker na dumaraan sa Strait of Hormuz makaraang hindi umano makinig ang mga ito sa babala na huwag silang dumaan dahil isinara na nila ang karagatang ito.

Kaugnay nito, dahil gusto pa rin ng mga kompanyang barko na bumiyahe paloob at palabas sa Persian Gulf karga ang mga langis at iba pang mga kalakal, sinabi ng pwersang United States na eeskortan umano nila ang mga barko.

Ngunit nagiging mabangis ang Iran sa pagsasara ng karagatang ito na pinaghatian ng Iran at Oman at United Arab Emirates.

Nauna rito, mayroon nang lumubog na barko, Skylight, na sinasabing barko rin ng Iran na mismong Iran ang umatake at nagpalubog dahil naging iligal umano ang biyahe nito.

Habang tinitipa ito, isang Iranian warship, IRIS Dena, ang pinaputukan ng torpedo ng isang United States submarine na ikina-missing ng mahigit umanong 100 crew habang mahigit 30 ang na-rescue ng Sri Lanka navy sa karagatan ng Sri Lanka.

Simula noong Sabado makaraang bombahin ng US at Israel ang Iran, may siyam nang barkong pandigma ng Iran ang pinalubog ng pwersang Amerikano. FRED CABALBAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here