Home METRO 2 DPWH employee utas sa ambush

2 DPWH employee utas sa ambush

MANILA, Philippines – Dalawang empleyado ng Department of Public Works and Highway ang patay, habang dalawa ang sugatan sa ambush sa Kidapawan City noong Marso 14, 2025.

Base sa imbestigasyon na papauwi mula sa panalangin nang pagbabarilin ng mga suspek sakay ng motorsiklo sa Barangay Lanao.

Bumangga ang sasakyan nila sa poste.

Nasawi agad ang 37-anyos na driver at isang 25-anyos na pasahero, habang nakaligtas ang dalawa matapos tumalon mula sa sasakyan.

Pinaghihinalaang may kaugnayan sa trabaho ang motibo, at may isang taong iniimbestigahan na ng pulisya. RNT