Home NATIONWIDE ISIS head nasawi sa operasyon – Iraqi prime minister

ISIS head nasawi sa operasyon – Iraqi prime minister

Napatay ang pinuno ng Islamic State sa Iraq at Syria, si Abdallah Maki Mosleh al-Rifai o “Abu Khadija,” sa isang operasyon ng intelihensiya ng Iraq at pwersang pinamumunuan ng U.S., ayon kay Iraqi Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani noong Marso 14.

Itinuturing siyang isang malaking banta sa seguridad. Ang operasyon, isinagawa sa pamamagitan ng airstrike sa Anbar province, ay naganap sa gitna ng pangamba sa muling pag-usbong ng IS matapos bumagsak ang gobyerno ni Bashar Assad sa Syria.

Nakatakdang tapusin ng U.S. ang kanilang misyon sa Iraq pagsapit ng Setyembre 2025, ngunit may patuloy na pangamba sa seguridad. RNT