Home ENTERTAINMENT Sunshine at Atong, IG official na!

Sunshine at Atong, IG official na!

Manila, Philippines- There’s no more stopping Sunshine Cruz from “flaunting” her relationship with Atong Ang!

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinalandra ng aktres sa kanyang Instagram Stories ang larawan nila ng nobyong negosyante.

Taken aboard a helicopter, abot-tenga ang mga ngiti ng magkasintahan.

No caption came with the photo.

Pero wari’y buong pagmamalaki nang idinedeklara nina Sunshine at Atong ang kanilang pag-iibigan.

In fairness, tanggap naman sila ng publiko.

Matatandaang December noong isang taon nang magsimula silang ma-link sa isa’t isa.

Kinumpirma naman ito ni Atong sa programang Agenda sa Bilyonaryo News Channel.

Napabilib naman ni Atong ang former husband ni Sunshine na si Cesar Montano for finally coming out in the open.

Taong 2013 nang makipagkalas ang aktres kay Cesar, by whom she has three daughters.

Pagkatapos nito ay tumagal din nang ilang taon ang relasyon ni Sunshine kay Macky Mathay.

The actress, however, did not disclose why their relationship ended.

As for Atong, naugnay rin siya kay Gretchen Barretto but there was no admission from either of them.

Pinatotohanan lang ito ng kapatid ni Gretchen na si Marjorie sa panayam sa kanya ni Maricel Soriano.

Atong, ani Marjorie, used to be their niece’s boyfriend. Ronnie Carrasco III