Home ENTERTAINMENT Regine, naghahanda sa pagretiro!

Regine, naghahanda sa pagretiro!

Manila, Philippines- Be ready for the inevitable.

Ganito ngayon hinaharap ni Regine Velasquez ang kanyang buhay.

Ang tinutukoy ng 54 anyos na mang-aawit na kahandaan ay ang panahon when she needs to slip into retirement.

Napag-uusapan na raw ito ng kanyang mister na si Ogie Alcasid, 57.

Ayon sa Asia’s Songbird, sa gusto man niya o hindi ay darating ang panahon na ‘yon.

“It may not happen very soon pero pinaghahandaan ko na,” aniya.

Regine cites certain disappointments whenever she does concerts.

Baka raw pinaaalalahanan siya ng nasa Itaas what to do next–ang pagre-retire nga.

But should she pursue it, hindi naman daw magiging boring ang buhay niya.

Kung hindi na raw kasi siya aktibo sa pagkanta: “All I wanna do is to travel!”

Matatandaang kinakitaan na ng preparedness si Regine to turn her back on professional singing.

Mas bet na lang daw niya kasing magsilbing mentor sa mga promising young talents.

“I had my time already. Sila naman,” aniya pointing to the young breed of singers. Ronnie Carrasco III