Home ENTERTAINMENT DDS, rumesbak kay Kim, nanawagang iboykot ang movie!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES DDS, rumesbak kay Kim, nanawagang iboykot ang movie!March 16, 2025 07:55 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Kahit nakiusap na huwag siyang isali, hindi pa rin tinantanan partikular ng mga DDS si Kim Chiu.Nilagyan kasi ng kahulugan ang spiel ng TV host sa It’s Showtime dahil sa paggamit ng salitang “dasurv.”Pa-shade daw ‘yon sa inarestong dating lider ng bansa na pinapanagot sa mga crimes against humanity ng ICC.Halos nagkakapareho ang kaso ni Kim at ng Showtime co-host na si Vhong Navarro na “nayari” rin dahil sa spiel nito.Nagpaliwanag na rin si Vhong na nagtatrabaho lang siya at walang ibig ipakahulugan ang kanyang binitiwang spiel.Pero mas lumala ang kaso ni Kim.May panawagan din kasing iboykot ang kanyang magso-showing na pelikula.To open on March 26, ito ‘yung unang beses ng pagtatambal nila ni Paulo Avelino sa pelikula.Wait, there’s more.Tinakpan din kasi ang mukha ni Kim sa tarpaulin ng isang sikat na bakeshop sa Davao City.Grabeee! Ronnie Carrasco III