MANILA, Philippines – Makakaapekto ang easterlies sa malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Marso 16.
Dahil sa easterlies, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Eastern Visayas, Albay, Sorsogon, at Dinagat Islands, habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Magdadala naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains ang Northeast Monsoon o Amihan sa Batanes at Babuyan Islands. RNT/JGC