Home HOME BANNER STORY Mga tagasuporta ni Duterte nagtipon-tipon sa Maynila, pagpapauwi ipinanawagan

Mga tagasuporta ni Duterte nagtipon-tipon sa Maynila, pagpapauwi ipinanawagan

MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon ang daan-daang mga indibidwal sa Liwasang Bonifacio sa Maynila nitong Sabado, Marso 15 bilang suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa report ng Manila Police District, itinalaga ang mga pulis para panatilihin ang kaayusan at seguridad ng nasa halos 1,000 attendees sa Duterte Prayer Rally.

Dumalo sa event ang common law wife ni Duterte na si Honeylet Avenceña at anak na si Veronica “Kitty” Duterte.

Panawagan ng mga dumalo, pauwiin na si Duterte sa Pilipinas kasabay ng pagkondena sa pagsuko ng pamahalaan ng Pilipinas sa International Criminal Court. RNT/JGC