Home METRO 2 drug suspects naaktuhang nag-aabutan sa Caloocan

2 drug suspects naaktuhang nag-aabutan sa Caloocan

MANILA, Philippines – KULUNGAN ang bagsak ng dalawang drug suspects, kabilang ang isang bebot matapos maaktuhang nag-aabutan ng shabu sa Caloocan City.

Batay sa ulat, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 s Banana Street, Barangay 175, Camarin, nang makita nila ang isang babae na may iniabot na isang plastic sachet ng umano’y shabu sa kausap nitong lalaki dakong alas-5:00 ng hapon kaya nilapitan nila ang mga ito.

Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang presensya ng mga pulis ay tumakbo ang mga ito kaya hinabol sila ng nga arresting officer hanggang sa makorner at maaresto.

Nakumpiska sa mga suspek na sina alyas ‘Inday’ at alyas ‘Jose’ ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 11.1 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) value na P75, 480.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Rene Manahan