Home NATIONWIDE 2 environmentalist dinukot sa Pangasinan

2 environmentalist dinukot sa Pangasinan

MANILA, Philippines — Dalawang environmentalist at volunteer church workers ang iniulat na dinukot sa San Carlos City, Pangasinan Linggo ng gabi, ayon sa isang rights group.

Sa isang pahayag, binanggit ng Karapatan-Central Luzon ang mga ulat mula sa mga saksi at sinabing sina Francisco “Eco” Dangla III at Axielle “Jak” Tiong ay “malubhang pinagtulungan, at kinaladkad patungo sa naghihintay na SUV noong bandang 8:00 ng gabi.” noong Marso 24.

“Katulad ng lahat ng iba pang insidente ng pagdukot at sapilitang pagkawala, ang dalawa ay biktima ng terror-tagging at paninira sa kabila ng pagiging tunay na kampeon ng kapaligiran at ng mga taga-Pangasinan,” giit ng Karapatan-Central Luzon.

Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), sina Dangla at Tiong ay “actively raising awareness about the impact of coal-fired power plants and offshore mining.”

Idinagdag ng Bayan na ang pagkawala ng dalawa ay sumasalamin sa lumalalang estado ng mga karapatang pantao sa ilalim ng gobyerno ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, na patuloy na nagpapatahimik sa mga batikos laban sa mga programa at patakaran nito laban sa mamamayan.

Ang Pilipinas ay, sa loob ng 10 taon, ay nanatiling pinakanakamamatay na bansa sa Asya para sa mga human rights defenders.

Sa isang post sa Facebook nitong Lunes, sinabi ng Karapatan-Central Luzon na naitala ng San Carlos City Police Station ang pagkawala nina Dangla at Tiong.

Ngunit ikinalungkot ng grupo ang umano’y mabagal na pagkilos ng istasyon ng pulisya sa insidente.

Parehong nawawala sina Dangla at Tiong noong Lunes ng gabi. RNT

Previous articleAlamin: Ruta ng trapiko, parking space sa Intramuros sa Semana Santa
Next articleP20M droga nasabat sa Pasay