MANILA, Philippines – Pinagtulungan bugbugin ng mga residente ang dalawang bolutaryong bumbero na rumisponde sa sunog sa Barangay 650, Port Area, Manila nitong Biyernes.
Ayon sa fire volunteer, binugbog siya nang malaman na wala ng tubig habang naghihintay pa ito ng suplay.
Aniya, hinampas siya ng dos por dos sa likod pati ang kanyang kasama kaya napatakbo siya kaagad.
Magsasampa ng kaso ang fire volunteer laban sa mga suspek.
Sinabi naman ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region, iniulat ang sunog ala-1:28 ng hapon at umabot sa ikalawang alarma bandang 1:34 ng hapon.
Idineklara naman itong fire out 2:22 ng hapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden