Home METRO 2 nagpanggap na congressman, pulis general inaresto ng NBI sa P80-M vape...

2 nagpanggap na congressman, pulis general inaresto ng NBI sa P80-M vape scam

338
0

CAVITE, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) Cavite North District Office ang dalawang lalaki sa isinagawang entrapment operation sa Bacoor, Cavite, matapos umanong magpanggap na kongresista at heneral ng pulisya habang niloloko ang grupo ng mga kabataang negosyante ng mahigit ₱80 milyong halaga ng vape products.

“Kung di kaya ₱80 million, puwedeng ₱20 million para ma-reserve. Ang nangyari, supposed to be releasing ng goods, ‘di natupad dahil kailangan pa raw ma-process. Hanggang sa pinilit sila magbigay ng ₱45 million.” ayon kay NBI Agent Joseph Furing.

Humingi umano ang mga suspek ng ₱14 milyon na marked money sa panahon ng entrapment, na nangakong mapapabilis ang pagpapalabas ng 700,000 vape products na hawak umano sa Port Area.

Gayunpaman, siyam na buwan mula nang magsimula ang dapat na deal, ang mga biktima ay hindi pa nakakatanggap ng anumang kalakal.

“May pinapakita na pictures at duties and taxes sa port. Dahil sa binabanggit na padrino kaya sila naengganyo.” dagdag ni Furing

Ang isa sa mga suspek, na dating kumandidato sa pagka-kongresista sa Cavite ngunit natalo, ay nakipag-usap sa media at direktang itinanggi ang pagtanggap ng pera. “Willing naman — rekta sila magkausap eh,” aniya. “Ako ba binigyan ng pera? Hindi po.”

Nakikipag-ugnayan ang NBI sa Bureau of Customs para i-verify kung totoong umiiral ang naturang vape shipment. 

Ang mga inisyal na natuklasan ay nagpapakita na ang mga tatak na binanggit ng mga suspek ay ilegal at hindi rehistrado. 

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong estafa at extortion. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here