Home ENTERTAINMENT 2 GMA contractors sa kaso ni Sandro, nagsumite ng joint counter affidavit!

2 GMA contractors sa kaso ni Sandro, nagsumite ng joint counter affidavit!

Manila, Philippines- Nitong September 12, Huwebes ay pormal nang naghain ang dalawang indepedent contractors ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa Department of Justice.

Ito’y para sa preliminary investigation ng kasong rape na isinampa laban sa kanila ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach.

Ang kaso’y bunsod ng insidente matapos ang GMA Gala noong July 21.

‘Yun ang kauna-unahang paghaharap ng mga taong sangkot sa kaso–ang nag-aakusang si Muhlach laban kina Nones at Cruz.

Ayon sa isinumite na counter affidavit ng dalawang respondents, itinanggi nila ang nakasaad sa testimonial evidence ni Sandro na may ari o instrumento na in-insert sa genital o anal orifice ng umano’y biktima.

Pinanghahawakan din ng kampo nina Nones at Cruz sa pamamagitan ni Atty. Maggie Abraham-Garduque na base sa documentary evidence ay walang dila ang ipinasok sa anal orifice alinsunod na rin sa nakasaad sa jurisprudence.

Inilalaban din ng kampo ng mga akusado ang inilabas na drug result kay Sandro na magpapatunay na hindi nila ito pinasinghot ng white powdery substance as alleged by the victim.

Matatandaang sinikap talaga ni Garduque na mailabas mula sa detention facility ng Senado si

Nones bilang paghahanda sa ihahain nilang counter affidavit sa DOJ.

Nones was held for contempt upon the recommendation of Senator Jinggoy Estrada.

Ikinabuwisit kasi ni Estrada ang aniya’y patuloy na pagsisinungaling ni Nones sa ipinatawag na Senate hearing.

As it obviously looks now, mahaba-haba pa ang lalakbayin ng nasabing kaso. Ronnie Carrasco III