Home NATIONWIDE 2 hinihinalang NPA member patay sa bakbakan sa Masbate

2 hinihinalang NPA member patay sa bakbakan sa Masbate

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sagupaan laban sa mga tropa ng pamahalaan sa Esperanza, Masbate.

Ayon kay Major Frank Roldan, spokesperson para sa 9th Infantry Division of the Philippine Army, ang mga nasawing rebelde at anim na iba pang miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla-South, Sub-Regional Committee 4, ay nakasagupa ng mga miyembro ng 2nd Infantry Batallion sa loob ng 15 minuto sa Barangay San Roque.

Ani Roldan, agad na tumakas ang mga rebelde at naiwan ang kanilang mga nasawing kasamahan sa lugar.

Narekober ng mga awtoridad ang M653 rifle, caliber 38 revolver, at iba pang mga personal na gamit. RNT/JGC